Reklamo sa ICC laban kay Duterte basura lang ayon sa Malacañang

     5 months ago
155
Leave a Comment
0 SHARE

Baseless at black propaganda lamang ang isinampang kaso ng abogado ni Edgar Matobato sa International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa pitumpu’t pitong pahinang reklamo na inihain ng abogado ni Matobato na si Atty. Jude Sabio sa The Hague The Netherlands, kinakailangan na umanong makialam ang ICC dahil sa crimes against humanity na kinasasangkutan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinagbasehan ni Sabio ang marahas na kampanya ng pangulo laban sa ilegal na droga kung saan nauwi na umano sa EJK at pumalo na sa mahigit pitong libong drug personalities ang napapatay.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi pasok sa crime agansit humanity ang ICC dahil malinaw na ang EJK ay kagagawan ng mga taong nasa likod ng sindikato ng illegal na droga at sila-sila ang nagpapatayan na.

Malinaw aniya na ang layunin ng war on drugs ng pangulo ay protektahan lamang ang Pilipinas.

Kumpiyansa si Panelo na sa basurahan lamang dadamputin ang reklamo dahil propaganda lamang ito at hindi rin nababahala ang Malacañang.

Sinabi pa ni Panelo na nais lamang ng abogado ni Mabatobato na pagmukhaing mamatay-tao ang pangulo sa mata ng buong mundo.

Gayunman, sinabi ni Panelo na nakahanda ang Malacañang na sagutin ang asunto sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General.

Source link

0 SHARE

Post Comments