Rekomendasyon sa pagbawi ng martial law sa Mindanao, posibleng ibigay kay Duterte next month

     3 months ago
25
Leave a Comment
0 SHARE

Isusumite na raw kay Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan ang rekumendasyon kung tuluyan na nga bang aalisin ang deklarasyon ng batas militar sa buong Mindanao.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana, ilan sa mga ikukonsidera nila para rito ay ang hinaing at pananaw ng mga residente ng Lanao at Marawi tungkol sa nasabing usapin.

Kanila rin daw i-a-assess ang sitwasyon sa iba pang lugar sa Mindanao katulad ng Sulu, Basilan at Tawi-Tawi.

Sa ngayon, ayon kay Lorenzana, nasa final push na ang tropa ng pamahlaan sa pagbawi ng Marawi matapos itong pasukin ng teroristang Maute Group.

READ  Dengue vaccine program ng DOH, inihinto muna

The post Rekomendasyon sa pagbawi ng martial law sa Mindanao, posibleng ibigay kay Duterte next month appeared first on Bombo Radyo Philippines.

Source link

Post Comments