Resignation letter ni Bautista natanggap na ng Palasyo

     2 months ago
17
Leave a Comment
0 SHARE

Pormal nang tinanggap ng Office of the Executive Secretary (OES) ang resignation letter ni Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista.

Tinanggap ngayong hapon ng OES ang nasabing sulat ng pagbibitiw ni Bautista ilang oras matapos ang kanyang personal na anunsyo sa isang press conference kaninang umaga.

Batay sa sulat ni Chairman Bautista, “personal reasons” ang sanhi ng kanyang pagbibitiw sa pwesto epektibo sa Disyembre 31, 2017.

Inihayag ni Bautista sa kanyang sulat na ang 10-week period ay pagkakataon para kay Pangulong Rodrigo Duterte na makapili ng kanyang kapalit at para magkaroon ng maayos na transition sa Commission.

Ipinaabot din ni Bautista sa kanyang sulat ang pasasalamat sa sambayanang Pilipino sa karangalan at pagkakataong makapagsilbi lalo noong May 2016 National and Local Elections kung saan nahalal si Pangulong Duterte bilang bagong lider ng Republika.

READ  Grade 8 pupil drowns in Pangasinan pond

Source link

Post Comments