Resignation ni Bautista, ‘effective immediately’ – Malacañang

     1 month ago
36
2 Comments
11 SHARE

Kinumpirma ngayon ni Commission on Elections (Comelec) Andres Bautista na effective immediately na ang kanyang pagbitiw sa puwesto.

Ito ay matapos na matanggap niya ang liham mula sa Office of the Executive Secretary (OES) bilang sagot sa kanyang isinumiteng resignation letter kamakailan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na batay sa kanyang sulat, sinabi ni Bautista na epektibo ang kanyang resignation hanggang sa Disyembre 31 ng taong kasalukuyan.

Pero batay sa sagot na ipinaabot ni Executive Sec. Salvador Medialdea, hanggang ngayong araw na lamang, Oktubre 23, 2017, maaring manatili sa puwesto si Bautista.

Sa ngayon sinabi ni Bautista na wala pang naitatalaga si Pangulong Duterte na papalit sa kanyang puwesto.

READ  WATCH: Cellphone snatcher, kinuyog ng taumbayan sa Quezon City

Source link

Post Comments