Revilla dumalo sa hearing ng kanyang plunder case sa Sandiganbayan

     3 months ago
53
Leave a Comment
0 SHARE

Matapos mabigong dumalo sa unang araw ng pagdinig sa kanya kaso sa Sandiganbayan, sumipot naman ngayong araw sa hearing si dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Dumating si Revilla kasama ang kanyang maybahay na si Bacoor Cavite Mayor Leni Mercado-Revilla na sakay ng isang coaster ng PNP mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame kung saan ito nakakulong dahil sa kasong plunder.

Sinabi ni Revilla sa ambush interview na hindi siya nakadalo noong nakaraang linggo sapagkat nasa ospital siya.

Tumaas umano ang kanyang createnine, uric acid at cholesterol.

Bigla umanong sumama ang kanyang pakiramdam habang dinadalaw ang kanyang ama na si dating Senador Ramon Revilla Sr. sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig kaya kinailangan din siya i-confine.

Aminado rin ito na nahihirapan na sa tatlong taong paghihintay sa resolusyon ng kanyang kaso.

Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan 1st Division kaugnay sa maanomalyang paggasta ng kanyang PDAF noong siya ay senador pa.

Source link

0 SHARE

Post Comments