Rider, patay matapos masagasaan ng isang truck sa Pasay

     2 months ago
24
Leave a Comment
0 SHARE

Basag ang bungo ng isang motorcycle rider matapos itong aksidenteng masagasaan ng isang 14-wheeler trailer truck sa EDSA-Tramo sa lungsod ng Pasay.

Kinilala ang rider na si Johnny Raguindi, na mula pa sa North Caloocan.

Ayon sa paunang impormasyon ng Pasay Police, binabaybay ng biktima ang northbound lane nang mabangga at masagasaan ng truck naminamaneho ni Romeo Castillo na may plakang CDR 184.

Ayon sa kaibigan ng biktima, miyembro ito ng isang motorcycle rider group na tinatawag ng Bumble Bee at nasa kalagitnaan sila ng endurance run nang maganap ang aksidente.

Pagkukwento ni Castillo, galing siya ng Batangas at patungo na sana ng Caloocan. Binabagtas niya rin ang northbound lane nang makitang sinusubukan ng biktima na i-overtake ang sasakyang nasa harapan nito.

READ  Bishop Bastes kay Duterte: Holy at Mystic persons lang ang may pribilehiyong makausap ang Diyos

Nasagi umano ng kotse si Raguindi, dahilan upang mapatagilid ito.

Nagpatuloy sa pagmamaneho si Castillo ngunit naramdaman na tila may nagulungan ito. Nang huminto at tingnan ang dinaanan ay doon na niya nakitang nasagasaan na pala niya ang rider.

Giit ni Castillo, hindi mabilis ang kanyang takbo at aksidente ang nangyari.

Ayon naman kay SPO3 Ricky Murillo, kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide si Castillo.

 

Source link

0 SHARE

Post Comments