Robredo, sa ilang bloggers na humarap sa Senado: “Walang kahihiyan. Mayabang. Maangas.”

     2 months ago
17
2 Comments
16 SHARE

Tila napuno si Vice President Leni Robredo sa serye ng mga posts nito sa Twitter kaugnay ng nangyaring hearing sa Senado tungkol sa fake news.

“Walang bahid ng pagsisisi, walang kahihiyan. Mayabang. Maangas.” Ito ang deskripsyon ng bise president sa umano’y mga dumalo sa pagdinig ng Senado.

Hindi man nagbigay ng pangalan si Robredo, matatandaang nitong Miyerkules ay dumalo sa pagdinig sina Presidential Communications Assistant Sec. Mocha Uson at at Foreign Affairs consultant RJ Nieto.

Matatandaan na may mga kumalat na isyu tungkol sa #LeniLeaks kung saan iniuugnay si Robredo sa tangkang pagpapatalsik kay Pangulong Duterte sa pwesto.

Samantala, sa isa pang post ni Robredo, binatikos din nito ang umano’y kayabangan sa pagsasabing hindi kailangan ng isang tao ang pamahalaan at pamahalaan ang ngangailangan sa kanya.

READ  Walang pasok ngayong araw, September 13, 2017

Matatandaang sinabi ni Nieto sa pagdinig na mas kailangan siya ng DFA kaysa kailangan niya ang kagawaran.

Ani Robredo, ang paglilingkod sa bayan ay isang pribilehiyo at hindi idinadaan sa yabang.

FB/Mocha Uson Blog

Samantala, agarang sinagot naman ni Uson ang mga pasaring ni Robredo.

Tinanong ni Uson ang bise presidente kung nasasaktan ba ito.

Ani Uson, maging si Robredo ay nagpadala ng fake news video sa United Nations na nakasakit din umano sa damdamin ng mga Pilipino lalo na sa mga nasa abroad.

Dagdag pa niya, wala ring kahihiyan at walang bahid ng pagsisisi si Robredo ukol dito.

Source link

READ  Panibagong electoral protest ni Bongbong Marcos hinarang ni VP Robredo
16 SHARE

Post Comments