Ronda Rousey na-TKO sa 48-secs. kay Nunes

     10 months ago
735
Leave a Comment
27 SHARE

Nagtapos sa masaklap na pagkatalo ang taong 2016 kay Ronda Rousey makaraang talunin ng kampeon na si Amanda Nunes sa pamamagitan ng technical knockout (TKO) sa loob lamang ng 48 seconds sa Las Vegas T-Mobile Arena.

Marami naman ang nagsasabi na ito na ang huli para sa 29-anyos na si Rousey (12-2) at magreretiro na sa mixed martial arts (MMA).

Bago pa man magsimula ang bantamweight championship sa Ultimate Fighting Championship (UFC) 207, marami rin ang humuhula na mga fans na makakabawi si Rousey.

Una siyang lumasap nang pagkatalo noon pang Nobyembre ng nakalipas na taon nang maagaw ang korona niya ni Holly Holm.

READ  AFTER FREE DAY IN RUSSIA | Duterte gets set for nitty-gritty of official visit | News5

Sa hudyat pa lamang ng referee sa pagsisimula ng first round ay naging agresibo kaagad si Nunes at pinaulanan ng matitinding suntok sa mukha si Rousey.

Gulat at hindi na nakaporma pa si Rousey sa mga powerful shots na pinakawalan ng karibal.

Hanggang sa sumargo na ang dugo sa ilong at mapasandal sa cage ng Octagon si Rousey.

Lalo namang nanggigil si Nunes sa pagbugbog sa kanya.

Dito na naawa ang referee na si Herb Dean dahi sa labis na pahirap na tinatanggap ng dating kampeon at dating Olympic bronze medalist na si Rousey.

Lumalabas na dinomina ng husto ni Nunes ang laban kung saan umabot sa 27 ang kanyang pinakawalang strikes, samantalang pito lamang ang naisagot ni Rousey.

READ  From relieved officer to PNP chief; Ronald "Bato" Dela Rosa is the new Police Chief of Staff

Samantala todo naman ang selebrasyon ni Nunes na mas maliit ang kinita kumpara sa UFC superstar na si Ronda.

Sinasabing nasa $3 milyon ang premyo ni Rousey habang si Nunes ay nasa $200,000 lamang.

“This is amazing. This moment is my moment,” ani Nunes matapos ang panalo. “She had her time. Right now, I’m the champion.

27 SHARE

Post Comments