Russia magbibigay ng mga AK-47 rifles sa AFP ayon kay Duterte

     2 weeks ago
22
Leave a Comment
9 SHARE

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng mga AK-47 rifles ang Russian government para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Secret sana ito pero kapag dumating na ang barko na magbababa ng shipments malalaman nyo rin”, ayon sa pangulo.

Ang nasabing balita ay inihayag ng pangulo sa gitna ng kanyang talumpati kaugnay sa groundbreaking ng housing projects para sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa San Miguel, Bulacan.

Inihayag rin ni Duterte na magbibigay pa ang China ng mga dagdag na sniper rifles para sa mga sundalo.

Nakiusap rin sa kanyang mga tauhan ang Commander-in-Chief na maghintay pa ng kaunting panahon dahil gagawi siya ng paraan para makabili ng mga dagdag na makabagong armas para sa militar.

READ  Trillanes is seen leaving the country

Muli ring inulit ng pangulo na hindi na aasa ang pamahalaan sa mga donasyon na mga segunda-manong military hardware partikular na sa U.S.

Hindi na bale umanong bumili ng mas mahal na mga armas basta’t bago ang mga ito na magpapataas rin sa morale ng mga kawal ng pamahalaan.

Nangako rin ang pangulo ng dagdag na housing projects para sa mga miyembro ng AFP at PNP.

Source link

9 SHARE

Post Comments