Sangkap sa paggawa ng bomba at libu-libong bala, nadiskubre sa sasakyan ng Las Vegas shooter

     2 weeks ago
20
Leave a Comment
0 SHARE

 

Bukod sa 23 armas at mga bala na nakuha sa kuwartong nirentahan ng Las Vegas shooter na si Stephen Paddock, nakadiskubre pa ng libu-libong bala at sangkap sa paggawa ng bomba ang mga otoridad sa sasakyan nito.

Ayon sa Las Vegas PD, nakadiskubre sila ng ilang pounds ng ammonium nitrate at limampung pounds ng ‘Tannerite’ isang uri ng explosive rifle target sa sasakyan ni Paddock sa parking lot ng Mandalay Bay.

Ayon sa ilang eksperto, posibleng may tangka ring gumawa ng car bomb si Paddock bilang bahagi ng kanyang plano.

Naudlot lamang ito nang magpakamatay ang gunman sa loob ng kanyang kuwarto matapos paulanan ng bala ang libu-libong nanonood ng isang country music concert sa event grounds ng Mandalay Bay.

READ  Galit na galit! Trump nag tweet sa mga kritiko laban sa pag alyansa sa Russia

Hanggang ngayon, misteryo pa rin ang motibo ng salarin sa insidenteng itinuturing na pinakamalalang gun attack sa kasaysayan ng Amerika.

Samantala, iginigiit naman ng ‘girlfriend’ ni Paddock na si Marilou Danley na wala itong alam sa naging plano ng kanyang kasintahan.

Source link

0 SHARE

Post Comments