Sarangani mayor na iniugnay sa ‘drug matrix,’ sumuko kay Pacquiao

     2 months ago
33
Leave a Comment
2 SHARE

(Update) GENERAL SANTOS CITY – Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12 si Mayor Anecito Lopez Jr., ng Maasim, Sarangani province matapos sumuko kay Sen. Manny Pacquiao dahil sa kaugnayan umano sa iligal na droga.

Ayon kay Pacquiao, nalaman nito ang pag-raid ng PDEA sa bahay ni Mayor Lopez na kaalyado niya sa politika habang pauwi ito sa GenSan mula sa Metro Manila.

Kanyang ipinatawag ang alkalde sa pamamagitan ng kanyang chief of Staff na si Bren Evangelio upang pasukuin.

Kaagad namang pumunta si Lopez sa bahay ng senador sa lungsod, gayundin si PDEA Director General Aaron Aquino at nag-usap ang tatlo.

READ  Everyone in Russia entourage ‘necessary’ – Abella | News5

Pagkatapos ay kanyang isinuko ang alkalde sa PDEA.

Napag-alaman na nakuha ng raiding sa bahay ni Mayor Lopez ang isang kilo ng suspected shabu, ecstasy, small kitchen shabu laboratory, dalawang rifle grenade launcher, dalawang granada, at dalawang colt caliber .45 pistol.

Ayon kay Director General Aquino, ikinokonsidera nilang lider nang tinaguriang El Patron drug group si Lopez na ang droga ay galing umano sa Bureau of Corrections.

Source link

Post Comments