Sec. Aguirre, irerekomenda si Ret. Gen. Dionisio Santiago para maging bagong BuCor director

     4 months ago
33
Leave a Comment
0 SHARE

Magbibigay ng bagong pangalan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kay Pangulong Rodrigo Duterte kapalit ng nagbitiw na si General Benjamin Delos Santos.

Ayon kay Aguirre, nais niyang humalili kay Delos Santos si retired General Dionisio Santiago.

Sinabi nito na kahapon natanggap niya ang resignation letter ni Delos Santos at nakatakdang niyang ipadala ngayong araw sa palasyo.

Nagbitiw si Delos Santos sa BuCor kasunod ng pahayag ng kalihim na balik na muli ang kalakaran ng droga roon.

Sa kanyang resignation letter sinabi naman ni delos Santos para bigyang daan ang imbestigasyon sa muling pag usbong ng bilibid drug trade.

Kakatalaga lamang ni Pangulong Duterte kay Santiago bilang chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB).

READ  Gabby Conception on Duterte's gaffe: "We all make mistakes"

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments