Self-imposed suspension ni Joey De Leon sa Eat Bulaga, usap-usapan sa social media

     2 months ago
28
Leave a Comment
5 SHARE

Mismong ang TV host-comedian na si Joey De Leon ang nagsuspinde sa kanyang sarili sa showbiz, partikular na sa Eat Bulaga.

Ito’y kasunod ng kanyang pahayag ukol sa depresyon na umani ng galit mula sa publiko.

Pero agad naman inamin ni Joey ang kanyang naging pagkakamali sa mababaw niyang pananaw sa depresyon.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Joey na nagkamali siya kung kaya’t susupindehin niya ang kanyang sarili.

Sinabi din ng comedian na gagamitin niya ang kanyang suspensyon sa pagbiyahe.

Hindi naman naging malinaw kung seryoso nga ang nasabing pahayag ni Joey, pero makikita sa latest post niya sa kanyang IG na siya ay nasa isang sikat na dessert restaurant sa Hong Kong.

READ  Jayjay Helterbrand nagpaalam na sa PBA

Kamakailan ay naging trending ang pahayag ni Joey sa national TV kung saan sinabi niya na gawa-gawa lamang ng mga tao ng depresyon.

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments