Sen. De Lima, pinayuhan ng mga kasamahan na gumawa ng matibay na mosyon

     2 weeks ago
21
Leave a Comment
2 SHARE

Nagkakaisa ang mga kaalyadong senador ni Sen. Leila de Lima sa paniniwalang maaari pang mabago ang Supreme Court (SC) ruling ukol sa petisyon nito sa kaniyang drug related cases sa lower court.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, maaari pang maghain ng motion for reconsideration si De Lima upang mabaligtad ang naunang resolusyon ng mga mahistrado.

Kailangan lang aniyang makapaglahad ng matibay na argumento ang senadora upang makumbinsi ang SC justices na baguhin ang kanilang naunang desisyon.

Ayon naman kina Sens. Risa Hontiveros at Bam Aquino, tuloy ang kanilang suporta para makalaya si De Lima.

Habang si Sen. Antonio Trillanes ay naniniwalang patunay ang latest ruling ng korte na kontrolado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong sangay ng pamahalaan.

Una rito, sa botong 9-6, ibinasura ng SC ang petisyon ng senadora na kumukwestyon sa hurisdiksyon ng Muntinlupa court na dumidinig sa drug cases na isinampa laban sa kaniya.

READ  Appointment ni DAR Sec. Mariano, tuluyang ni-reject ng CA

Samantala, sinabi naman ni Sen. Kiko Pangilinan na ang buong minorya sa Senado ay iginagalang ang desisyon ng mga mahistrado, ngunit naniniwala silang Ombudsman ang dapat na humawak ng mga kaso.

Naniniwala kami na Ombudsman ang may jurisdiction sa kasong ito ni Sen. Leila De Lima. Hindi kami sang-ayon pero nirerespeto namin ang desisyon ng Supreme Court. Umaasa kaming itatama ng ating mga mahistrado ang hindi makatuwirang pagpapakulong kay Senator De Lima. Maliwanag ang Saligang-Batas: Buhay, kalayaan, at ari-arian ang mga batayang karapatan natin bilang Pilipino, kaya mataas ang mga pamantayan bago ito bawiin ng estado. Chairperson pa siya ng Commission on Human Rights, ipinaglalaban na ni Sen. De Lima ang katarungan para sa mga biktima ng extra-judicial killings sa Davao City. Ito — at ang pagpapatuloy ng kanyang krusada para sa mga ninakawan ng buhay nang hindi dumadaan sa mga itinakdang paraan — ang dahilan kung bakit siya ngayon inuusig ng estado. Nakakabahala na siya pang nagtatanggol ng karapatan ng iba, ng mahihirap, ng walang kapangyarihan ay ngayo’y paksa ng pagsupil. Nakakabahala na siya pang ginagamit ang batas para isulong ang katarungan ang nagiging biktima ng mali o abusadong pagpapatupad nito. Nakakabahala, pero nagtitiwala pa rin tayo sa batas, sa katarungan, at sa talino ng mga tagapagtaguyod ng ating mga karapatang mabuhay nang may kalayaan — tayo mismo,” saad ng pahayag ng Senate minority bloc.

READ  Trillanes pumalag sa pagkaka-ugnay sa planong kudeta

Kabilang sa mga bumoto para mabasura ang petisyon ni De Lima sina Associate Justices Presbitero Velasco Jr, Teresita Leonardo-De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano Del Castillo, Samuel Martires, Noel Tijam, Andres Reyes at Alexander Gesmundo.

Ang mga pumabor naman sa hirit ng senadora ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Estela Perlas Bernabe, Francis Jardeleza, Marvic Leonen at Alfredo Benjamin Caguioa.

Source link

Post Comments