Senator Trillanes nagsampa ng kasong libelo laban kay ‘Thinking Pinoy’ blogger RJ Nieto

     4 weeks ago
53
37 Comments
263 SHARE

Nagsampa ng kasong libelo si Senator Antonio Trillanes IV sa Pasay City Regional Trial Court laban sa pro-Duterte blogger na si Rey Joseph “RJ” Nieto.

Ito ay may kaugnayan sa pag-post ni Nieto sa social media ng artikulo hinggil sa pagtawag umano ni United States President Donald Trump kay Trillanes bilang “drug lord.”

Ang nasabing artikulo ay inilagay sa Facebook page ni Nieto na “The Thinking Pinoy” noong October 31, 2017 na mayroong titulo na “Trump calls Trillanes a Drug Lord.”

Naglagay pa ng tanong si Nieto sa kaniyang artikulo na “Does Trump’s government know something?”.

Sa kaniyang reklamo sinabi ng senador na ang malisyosong artikulo ni Nieto ay naisapubliko hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo dahil sa Facebook account ito inilagay.

READ  Sandra Cam mocks De Lima’s raps on Duterte diverting Paolo issue: "I think you are suffering from hallucinations"

As of November 21, 2017, sinabi ni Trillanes na ang artikulo ay mayroon nang 62,000 reactions at share na aabot sa 15,759.

Tinawag ding ‘fake news’ ni Trillanes ang artikulo ni Nieto dahil ni hindi nga aniya nabanggit ni Nieto kung saang news outfit binanggit ni Trump ang pahayag.

“Being a very vocal and staunch critic of President Rodrigo Roa Duterte, of whom Respondent Nieto is a self-confessed diehard supporter and defender, Respondent Nieto’s post was clearly made solely for the purpose of besmirching my reputation and maligning my name,” ayon kay Trillanes.

Malinaw ayon kay Trillanes na si guilty si Nieto sa cybercrime offense na libel sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act.

READ  Panukalang P3.7-T 2018 budget malalagdaan bago mag-Pasko

Humihirit si Trillanes ng P2 milyon na moral at exemplary damages at P250,000 na attorney’s fees sa isinampang kaso.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

263 SHARE

Post Comments