Sereno, Morales hinamon ni Duterte na sabayan siyang magbitiw sa puwesto

     3 months ago
28
Leave a Comment
3 SHARE

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ombudsman Conchita Carpio Morales at Chief Justice Maria Lourdes Sereno na sabayan siyang magbitiw sa puwesto.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang naturang pahayag kagabbi sa installation ng panibagong Integrated Bar of the Philippines officers sa Davao City.

Muling binigyan diin naman din ng punong ehikutibo ang akusasyon nitong selective justice laban kay Morales.

Sinabi nito na dapat daw i-prioritize ni Morales ang mga kasong inihain sa Office of the Ombudsman ilang taon na ang nakalilipas kaysa pagtuunan daw ng panahon ang reklamong isinampa ni Sen. Antonio Trillanes IV laban sa kanya.

Kinuwestiyon ng Pangulo ang pag-una raw ng Office of the Ombudsman sa mga kaso na katulad niyang hindi naman daw totoo.

READ  Duterte: I declare the liberation of Marawi City

Inakusahan din ng Presidente sina Carpio at Sereno na umano’y pumayag na magamit sa alegasyong korapsyon laban sa kanya.

Source link

Post Comments