Sereno, Morales sasampahan ko ng impeachment complaint – Duterte

     2 weeks ago
19
Leave a Comment
0 SHARE

Muling napagdiskitahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa press briefing nitong Miyerkules ng hapon, sinabi ni Pangulong Duterte, sasampahan nito ng impeachment complaint si Morales dahil sa umano’y “selective justice” at paggamit ng falsified documents sa ginagawang imbestigasyon sa kanyang bank accounts.

Malinaw daw ang pahayag ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na wala silang ibinibigay na dokumento sa Ombudsman.

Inihayag pa ng Pangulo na maging Chief Justice Sereno ay sasampahan din ng impeachment complaint dahil sa isyu ng graft o katiwalian.

Kabilang umano sa grounds ang hindi nito pagdedeklara ng kanyang kinita sa PIATCO case sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at pagbili ng mamahaling sasakyan gamit ang pera ng gobyerno.

READ  Alejano to AFP: "Don’t follow orders if Duterte pushes revolutionary government"

Kasama rin daw dito ang pag-check-in nito sa mga presidential suite sa ibang bansa.

Una nang itinanggi ni Sereno ang mga paratang na katiwalian at iginiit na aprubado ng SC en banc ang kanyang pagbili ng sasakyan at lahat ng mga ginagastos bilang chief justice.

Source link

Post Comments