SONA ni Duterte, posibleng ulanin ayon sa PAGASA

     4 months ago
20
Leave a Comment
18 SHARE

Mataas ang tsansa na uulan sa Lunes, araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makakaranas ang Metro Manila ng maulap na kalangitan at mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na dala ng hanging habagat ayon sa Philippine Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Makakaapekto rin ang hanging habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Isang Low Pressure Area naman ang namataan sa layong 225 kilometro sa silangang bahagi ng Aparri, Cagayan ayon sa inilabas na bulletin ng PAGASA tanghali ng Biyernes.

Samantala, tinatayang ang temperatura ay maglalaro mula 24 hanggang 31 degrees Celsius.

Source link

READ  Regulasyon sa fraternities, balak baguhin ng CHED
18 SHARE

Post Comments