Stronghold ng BIFF nakubkob ng MILF sa Maguindanao

     3 months ago
29
Leave a Comment
0 SHARE

MAGUINDANAO – Naglunsad muli ng air to ground assault ang militar laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF/ISIS Inspired Group) sa probinsya ng Maguindanao.

Tuloy-tuloy din ang engkwentro hanggang ngayon sa bayan ng Datu Salibo sa pagitan ng MILF Task Force Ittihad at grupo ni Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abo Torayfe.

Nakubkob din ng MILF ang stronghold ng BIFF na nasa Sitio Butalo, Brgy. Tee, Datu Salibo, Maguindanao kung saan tatlong mga terorista ang nasawi at pagkarekober ng mga matataas na uri ng armas.

Mula Agosto 2 hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na sa 68 ang nasawi sa BIFF at 21 naman sa MILF sa kalat-kalat na engkwentro sa Maguindanao.

READ  Frat leader na dinadawit sa hazing, kulong sa Senado

Sinabi rin ni 6th CMO Battalion commanding officer, Lt. Col. Gerry Besana, gumamit sila ng 105mm howitzers cannon at mga air asset ng Philippine Air Force para bombahin ang posisyon ng mga terorista at suporta sa ground force ng Phil. Army at MILF.

Kumalat din ang balita na nasawi na ang lider ng mga terorista na si Kumander Abo Torayfe ngunit hindi pa makumpirma ng mga otoridad.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng Joint Task Force Central ng militar at MILF Task Force Ittihad ang pagtugis sa BIFF/ISIS group sa lalawigan ng Maguindanao.

Source link

Post Comments