Supporters ni Pangulong Duterte, magtitipon sa Plaza Miranda

     3 months ago
655
51 Comments
12k SHARE

 

Kung mayroong mga magpo-protesta sa Luneta laban sa pangulo, mayroon ding mga taga-suporta si Pangulong Rodrigo Duterte na magtitipun-tipon ngayong araw.

Ayon kay Communications Sec. Martin Andanar, may mga grupong sumusuporta kay Pangulong Duterte na magtutungo naman sa Plaza Miranda mamaya.

Ngayong araw ay idineklara ng presidente bilang “National Day of Protest,” para bigyang daan ang lahat ng mga nais mag-protesta.

Bukod kasi sa pag-gunita sa deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong September 21, 1972, may mga nais rin magprotesta laban sa pangulo.

Isang “Movement Against Tyranny” ang ikinasa ng mga bumabatikos sa pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

READ  Cebu Pacific, nag-abiso sa mga pasaher; biyahe sa kasagsagan ng ASEAN Summit maaring maantala

Samantala, binanggit naman ni Andanar na kasama sa mga supporters ng pangulo na magtitipun-tipon mamaya ay ang partido nitong PDP-Laban, Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee at iba pa.

Source link

12k SHARE

Post Comments