Supt. Nobleza, mabubulok sa kulungan – Duterte

     5 months ago
289
Leave a Comment
93 SHARE

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang mabubulok sa kulungan si Police Supt. Maria Cristina Nobleza, ang pulis-Davao na karelasyon ng isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group.

Ayon sa pangulo, hindi niya bibigyan ng pagkakataon na malakaya si Nobleza mula sa pagkapiit sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil ang kasalanan nito ay isang komplikado at “continuing crime.”

Gayunman, hindi na idinetlaye ng pangulo ang bigat ng kasalanan ni Nobleza kung kaya ipinauubaya na lamang niya Kay Pnp Chief Director General Ronald Dela Rosa ang naturang usapin.

Tiniyak rin ng pangulo na isasapubliko ni Dela Rosa ang pagharap sa kaso ni Nobleza.

Kasabay nito, sinabi ni Duterte na matagal na nilang alam ang plano ng Abu Sayyaf na pumasok sa Bohol subalit ang timing ay hindi nila inaasahang gagawin noong bago mag-Semana Santa.

Nasagap na aniya ng intelligence unit nila na bumibiyahe na ang mga bandido kaya bago pa man makapaghasik ng karahasan sa lalawigan, ay nagawang maharang ito ng mga sundalo.

Source link

93 SHARE

Post Comments