Suspek sa mass shooting sa Las Vegas, dati nang bumisita sa Pilipinas

     2 months ago
79
Leave a Comment
5 SHARE

Nakabisita na sa Pilipinas si Stephen Paddock ang suspek sa mass shooting sa Las Vegas na ikinasawi ng halos 60 katao at ikinasugat ng mahigit 500 iba pa.

Sa larawan na nakuha ng freelance journalist na si Mike Cohen at ipinagkaloob sa Radyo Inquirer, makikita si Paddock na nakikipagsalu-salo sa isang boodle fight.

Kasama ni Paddock sa larawan si Marilou Danley at dalawa pang Pinay na pinaniniwalaang kaanak ni Danley.

Taong 2013 umano kuha ang nasabing larawan.

Kahapon, sinabi ng Bureau of Immigration na may record sila nang pag-uwi dito sa Pilipinas ni Danley pero hindi ibinigay ng ahensya ang detalye dahil maituturing umanong pribadong indibidwal si Danley na hindi pa naman pinapangalanang suspek sa mass shooting.

READ  DOTr, dapat agad humanap ng kapalit ni Chavez ayon sa ilang mga senador

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments