Suspek sa pagnanakaw ng bisikleta ng pulis, patay matapos umanong bumunot ng baril

     3 months ago
16
Leave a Comment
0 SHARE

Patay ang isang suspek sa pagnanakaw ng bisikleta ng isang pulis matapos umanong bumunot ng baril sa Acacia St. corner MRT Avenue, Purok Uno, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Nakilala ang suspek na si Agosto Cruz, 44-anyos, at residente rin ng naturang barangay.

Sa imbestigasyon ng Taguig Police, lumalabas na ninakaw ng suspek ang bisikleta ni Police Supt. Juvenal Barbosa sa Brgy. Kalawaan, Pasig City.

Napag-alaman na dinala ng suspek ang bisikleta sa Taguig kaya agad na humingi ng tulong ang biktima sa PCP 2.

Nang dumating sa lugar at nakita ang mga pulis ay bumunot umano ng baril ang suspek at tinutok sa mga pulis sabay kalabit sa gatilyo, pero hindi ito pumutok.

READ  Solgen, gustong makulong muli ang mga NDF consultants

Doon na napilitan si Barbosa na paputukan ang suspek.

Naisugod pa sa ospital ang suspek pero binawian ng buhay.

Nakuha mula sa kanya ang isang kalibre .38 baril na walang serial number at kargado ng limang bala.

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments