Terorismo, drug war, CHR tampok sa Duterte, US envoy meeting

     3 months ago
35
Leave a Comment
0 SHARE

Tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay United States Ambassador to the Philippines Sung Kim ang kanyang mga polisiya laban sa terorismo at iligal na droga sa bansa.

Sa nasabing meeting, sinabi ni US Ambassador Kim na nauunawaan nito ang hamong hinaharap ni Pangulong Duterte sa paglaban ng salot na droga.

Iginiit naman ni Kim na kailangang magsagawa ng imbestigasyon sa mga pagpatay na may kinalaman sa iligal na droga para matiyak ang patuloy na kumpiyansa ng taongbayan sa gobyerno.

Bilang tugon, inihayag naman ni Pangulong Duterte na ang mga ginagawang anti-drug operations ng PNP ay alinsunod sa rule of law at iginiit na hindi kinukunsinti ng kanyang administrasyon ang mga abusadong pulis.

READ  China tunay na kaibigan ng Phl, 'proven beyond words' - Duterte

Patunay daw dito ang agarang pagkakaaresto sa mga pulis na nakapatay sa 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos.

Kabilang din sa natalakay ng dalawang lider ang isyu sa Commission on Human Rights (CHR).

Dito ay nilinaw ng pangulo na hindi nito diniktahan ang Kongreso na tapyasan ang kanilang budget dahil wala siyang kontrol sa mga desisyon ng Lehislatura.

Kasama sa meeting sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Finance Secretary Carlos Dominguez III at Public Works Secretary Mark Villar.

Source link

Post Comments