Terror plotter sa nadiskaril na 2016 NY bombing, ie-extradite sa Amerika

     2 weeks ago
19
Leave a Comment
0 SHARE

 

Isasalang sa extradition patungo sa Estados Unidos ang Pilipinong doktor na suspek sa naudlot na terror bombing sa New York na si Russel Salic.

Si Russel Salic ay isa sa tatlong suspek na kinasuhan dahil sa pagkakasangkot sa nadiskaril na planong pagpapasabog sa New York Subway at sa Times Square noon sanang taong 2016.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, pormal na hiniling ng Amerika na i-extradite si Salic.

Dahil dito, kanilang uumpisahan na ang pormal na extradition proceedings para sa suspek.

Sa kasalukuyan, hawak ng National Bureau of Investigation si Salic matapos itong maaresto noong taong 2017.

READ  Saycon turns over to Aguirre docus of alleged corrupt activities during PNoy admin

May 2016 nang magplano umano si Salic kasama ang ilan pang suspek na dayuhan na maghasik ng lagim sa New York ngunit naudlot ito nang madiskubre ang plano ng isang FBI agent.

Isang orthopedic surgeon surgeon si Salic sa Cagayan de Oro na nagsisilbi umanong financier ng ilang terror cell na kabilang sa ISIS.

Source link

0 SHARE

Post Comments