Ticket sa concert ng Paramore sa bansa, sold out sa loob lang ng isa’t kalahating oras

     3 weeks ago
126
Leave a Comment
4 SHARE

Sold out sa loob lamang ng isa at kalahating oras ang tickets para sa concert ng grupong Paramore na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa February 18, 2018.

Opisyal na binuksan sa publiko ang ticket sa concert ng Paramore alas 10:00 ng umaga ng Huwebes, November 23.

At alas 11:25 ng umaga, inanunsyo ng promoter ng konsyerto na MMI Live na sold out na ang ticket.

Nagkakahalaga ng P1,325 ang pinakamurang ticket para sa concert at P8,000 naman ang pinakamahal.

Maaga pa lamang dagsa na sa SM ticket outlets ang Filipino fans ng Paramore para pumila sa pagbili ng ticket.

READ  Bulate nakuha sa katawan ng NoKor defector na sugatang nakatawid sa South Korea

Ang iba naman, bumili na lang ng ticket online par ahindi na pumila at makipagsiksikan.

Dismayado naman ang ilang fans at humiling ng second show date ng grupo sa Pilipinas.

Maari kasi anilang nakopo ng scalpers o resellers ang ticket para sa konsyerto kaya ganun kabilis naubos.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

The post Ticket sa concert ng Paramore sa bansa, sold out sa loob lang ng isa’t kalahating oras appeared first on DZIQ Radyo Inquirer 990AM.

Source link

4 SHARE

Post Comments