Top drug lord sa W. Visayas, patay sa operasyon ng pulisya

     3 months ago
64
2 Comments
39 SHARE

Napatay sa isang anti-illegal drugs operation ang sinasabing top drug lorg sa Western Visayas na si Richard Prevendido.

Kinumpirma ito mismo ni Western Visayas police spokesperson Gilber Gorero.

Si Prevendido ay wanted na sa pulisya at may patong sa ulo na P1.1 milyon.

Isinagawa ng Iloilo City Police Office at Iloilo Provincial Police Office ang nasabing operasyon pasado alas-9:00 ng gabi sa Jaro, Iloilo City.

Sinasabing nanlaban umano si Prenvenido, kaya lumaban din ang mga pulis na ikinasawi ng drug lord at ng isa pa nitong kasama.

Nakarekober naman ang mga otoridad ng shabu at mga baril sa sinalakay nilang bahay kung saan naroon si Prevendido.

READ  21 patay matapos gumuho ang gusali sa Mumbai, India

Source link

39 SHARE

Post Comments