Trillanes: Arrest order kay Lascañas patunay na totoo ang sinabi nito sa Senado

     4 months ago
385
Leave a Comment
193 SHARE

Pinatutunayan lamang umano ng Department of Justice na totoo ang lahat ng akusasyon ni Ret. SPO3 Arturo Lascañas laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Reaksyon ito ni Senador Antonio Trillanes matapos na ipag-utos ng DOJ sa NBI na  makipag-coordinate sa International Police (Interpol) para sa pag-aresto kay Lascañas

Binigyang diin ni Trillanes na walang ibang layunin ang hakbang na ito ng Justice Department kundi upang ipitin si ang dating pulis na umaning miyembro ng Davao Death Squad (DDS) na iniuugnay naman kay Duterte.

Ganyan din aniya ang ginawa ng administrasyon kay Edgar Matobato na naunang nagsabi na kasapi rin sa DDS

READ  Miles Ocampo Admits Her and Julia Montes & Kathryn Bernardo's Friendship Are Not That Tight Anymore

Giit ni Trillanes, ginagawa lahat ng administrasyon ang paraan para mapigilan ang mga nakakaalam ng mga hindi makataong  gawain ni Duterte.

Noong buwan ng Abril ay lumabas ng bansa at nagpunta sa Singapore si Lascañas dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay.

Source link

193 SHARE

Post Comments