Trillanes: ‘Bangko, accounts sa expose, peke’ ; Malacanang: ‘Substantial documents, ilalabas’

     3 months ago
33
Leave a Comment
0 SHARE

Nilagdaan na ni Sen. Antonio Trillanes IV ang bank waiver na nagbibigay ng pahintulot upang buksan ang mga bank accounts na iniuugnay sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng ilang kilalang kaalyado ng presidente.

Ayon kay Trillanes, layunin nitong matuldukan na ang usapin dahil wala naman daw siyang account sa mga bangko na tinukoy ng presidente o maging nina Asec. Mocha Uson at Erwin Tulfo.

“Panggulo lang po ito ni Duterte. Pero sige, sakyan ko muna ang gusto nila, pero dapat mag-isyu rin ng waiver si Paolo Duterte, kung wala itong itinatago,” pahayag ni Trillanes.

Plano rin ng senador na kasuhan ng libel sina Tulfo at Uson, pati na ang isa pang mamamahayag na naglabas din ng bank records na iniuugnay sa kaniya.

READ  Ex-SC Justice Jose Mendoza itinalaga ni Pres. Duterte sa JBC

Aabot sa 12 accounts ang inisyuhan ni Trillanes ng waiver.

Natuklasan ng mambabatas na ang ilang bangko kung saan sinasabing nag-open siya ng accounts, ay hindi umiiral.

Partikular na rito ang Nova Scotia Bank at Hong Kong Shanghai Bank.

Pero para sa kampo ni Pangulong Duterte, iginiit ng Malacañang na hindi lang pakulo o palutang ang pagbubulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte na may bank accounts sa labas ng bansa si Trillanes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, inaasahang maglalabas si Pangulong Duterte ng “substantial” o makabuluhang dokumento para patunayan ang mga alegasyon kay Trillanes.

Ayon kay Abella, tiyak nitong may basehan ang pangulo at mayroon itong pinanggagalingan at hindi katulad kay Trillanes na puro paninira lang ang ginagawa.

READ  Tamaraws, tinalo ang Blue Eagles sa semi's ng UAAP

Hindi naman masabi ng Malacañang kung kakagat si Pangulong Duterte sa hamon ni Trillanes na pipirma sila ng waiver sa bank secrecy law.

“From where… From how I understand and know the President, he would come out with something very substantial. Exactly what, I cannot say. But I know he’ll come… He has… He speaks… He knows whereof he speaks,” ani Abella. “I’m sure he has a higher ground.”

Source link

Post Comments