Trillanes natakot sa banta ni Duterte; Handang buksan ang kanyang mga bank accounts

     2 weeks ago
289
Leave a Comment
0 SHARE

Nakahanda umano si Sen. Antonio Trillanes na lumagda sa isang waiver para mabuksan ang kanyang bank accounts matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya raw ay may tinatagong yaman sa ibang bansa.

Sinabi ni Trillanes na pipirma siya ng isang waiver para sa kanyang karapatan sa Bank Secrecy Law sa oras daw na makakuha siya ng detalye hinggil sa alegasyon laban sa kanya ni Pangulong Duterte.

Kahapon nagbanta si Pangulong Duterte kay Trillanes na isisiwalat ang umano’y bank deposits nito sa ibang bansa, kabilang na ang China, Hong Kong, Australia at America.

Pero pinabulaanan ito ni Trillanes at sinabi na paraan lamang ito ng punong ehekutibo upang ilihis ang atensyon ng publiko kaugnay sa alegasyon na kanyang ininguso laban sa presidential son na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Kung maaalala, nahaharap sa alegasyon ang nakababatang Duterte sa umano’y pagkakasangkot nito sa sindikato kaugnay na smuggled na P6.4 billion halaga ng shabu sa bansa na nasabat noong Mayo.

Mariin namang itinatanggi ng bise alkalde ang mga alegasyon na ito ng senador.

0 SHARE

Post Comments