Trillanes, pinangalanan ang umano’y nagbenta ng pekeng bank accounts niya sa Palasyo

     2 months ago
35
4 Comments
17 SHARE

 

Ibinunyag ni Sen. Antonio Trillanes sa kanyang privilege speech sa Senado ang umano’y pinagkunan ng palasyo ng impormasyon ukol sa kanyang pekeng bank accounts.

Ani Trillanes, isang Daniel ‘Snooki’ Cruz ang pinagkunan ng Pangulo ng impormasyon kapalit ng sampung milyon.

Nagpakilala aniya si alyas Snooki bilang isang “financial forensic expert” na may malawak na koneksyon sa US embassy at kaya raw magkaroon ng access sa kahit anong bank accounts sa buong mundo.

Nais umano ibenta ni Cruz ang impormasyon sa palasyo sa halagang 10 milyon.

Gayunpaman, ayon kay Trillanes, 3 milyon lang ang napunta kay Cruz kung saan may kumita pa anyang mga middleman na hindi naman niya matukoy kung sino.

READ  Trillanes seeks probe of 'Duterte-China research agreement' on Benham Rise

Ibinulaslas din ng Senador ang pagkakapareho ng kanyang umano’y fake bank account sa itinimbre din ni Cruz sa isang cabinet official ukol sa mga bank accounts din ni Sen. Leila De Lima.

Ayon kay Trillanes, parehong-pareho ang mismong template ng bank accounts kung saan parehas ang bank name at ang pangalan ng branch na nakabase sa Singapore.

Ipinakita rin ng senador ang mga larawan ni Cruz kasama sina Philippine National Police Chief Bato Dela Rosa at Pangulong Duterte.

Source link

17 SHARE

Post Comments