Trillanes sa banat ng New York Times kay Duterte: ‘Tama lang’

     7 months ago
28
Leave a Comment
0 SHARE

 

Tama lang ang nilalaman ng editorial ng New York Times na patungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kampanya nito kontra droga.

Sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na papasok na sa eksena ang International Criminal Court kapag nabalewala ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay Trillanes hindi naman maaring kasuhan si Ginoong Duterte sa anuman korte sa bansa dahil may presidential immunity from suit ito.

Sinabi pa ni Trillanes na sang-ayon siya sa lumabas na editorial ng New York Times na sapat ang mga ebidensiya laban sa pangulo ng bansa.

READ  Conjugal property bill: what's mine is mine

Dagdag nito, nagdeklara ang pangulo ng gyera kontra droga na nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong katao, kabilang na ang mga inosente.

Giit pa ng senador, sa halip na ipatigil ang mga patayan ay hinikayat pa ng pangulo ang mga pagpatay.

Source link

0 SHARE

Post Comments