Trillanes sinagot ang pasaring ni Pimentel na sinasayang ang oras ng Senado

     2 months ago
238
Leave a Comment
0 SHARE

Inihahanda na ng kampo ni Sen. Antonio Trillanes ang ethics complaint laban kay Sen. Richard Gordon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, sinabi ng senador na posibleng sa papasok na linggo o sa susunod na linggo ay kaniya nang maihahain ang ethics complaint laban kay Gordon.

Sa ngayon umano ay inihahanda pa ito ng kaniyang abogado.

Kasabay nito, sinagot din ni Trillanes ang mga patutsada ni Sen. Koko Pimentel na sinayang lang daw ng senador ang oras ng imbestigasyon dahil nililihis ang isyu.

Nakakalungkot ayon kay Trillanes na lahat ay gawin ng mga kapwa senador para umano absuweltuhin ang anak ng amo na si Pangulong Rodrigo Duterte.

READ  VP Robredo, hinirang na chairperson ng LP

Dagdag pa ni Trillanes, magaling daw mag-abogado ang mga kapwa niya senador sa pamilya ng Pangulong Duterte.

Post Comments