Trump, ilang US at foreign officials, naghayag ng kani-kanilang mensahe tungkol sa Las Vegas shooting

     2 weeks ago
16
Leave a Comment
0 SHARE

Nagpaabot ng pakikiramay si US President Donald Trump sa mga pamilya ng mga naging biktima ng nangyaring pamamaril sa isang concert sa Mandalay Bay Casino, Las Vegas, Nevada.

Una rito, nasawi ang tinatayang nasa 50 katao habang sugatan naman ang mahigit 200 sa biglaang pagpapaputok ng isang lalaki sa isang country music festival sa nasabing lugar.

Ayon sa pinost na tweet ni Trump, nakikisimpatya rin daw ito sa mga naiwan ng mga biktima.

Kaugnay nito, naghayag rin ng kanya-kanyang reaksyon ang ilan sa mga opisyal ng Estados Unidos ukol sa nabanggit na insidente.

Ipinagdadasal naman daw ni Vice President Mike Pence ang mga biktima’t mga naulila na apektado ng tinawag niyang “senseless violence” sa Las Vegas.

READ  Malakanyang itinangging may kinalaman sa balasahan sa Senado

Pinuri rin ng bise-presidente ang mga unang rumesponde sa pinangyarihan ng kaguluhan.

Kasama rin sa mga nakiramay ang mga senador na sina Dean Heller at Catherine Cortez.

Naghayag na rin ng kani-kanilang mga mensahe sina United Kingdon Prime Minister Theresa May at London mayor Sadiq Khan.

Nabatid na kinilala ang suspek sa pamamaril na si Stephen Paddock, 64-anyos na residente rin umano ng Las Vegas.

Inalis naman sa pagiging “person of interest” ang sinasabing roomate ni Paddock na si Marilou Danley matapos itong makipag-ugnayan sa mga otoridad.

Source link

Post Comments