Trump kung tutungo ng Phl para sa ASEAN Summit: ‘We’re going to see’

     3 months ago
12
Leave a Comment
0 SHARE

Bibisitahin ni US President Donald Trump ang China, Japan at South Korea sa buwan ng Nobyembre.

Ito ang kaniyang inanunsiyo matapos ang ginawang pagbisita sa mga nasalanta ng hurricane Irma sa Florida.

Posible rin aniya na dumalo ito sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit na gaganapin sa Vietnam.

Ito ang itinuturing na kauna-unahang pagbisita sa rehiyon ni Trump para talakayin ang ekonomiya at security interest.

Sa kaniyang pagbisita sa China ay maaaring kulitin muli si Chinese President Xi Jinping para kausapin ang North Korea na itigil na ang kanilang nuclear weapon program.

Nang matanong naman si Trump habang nasa Air Force One kung tutungo rin siya sa ASEAN summit sa Pilipinas, inamin ng Presidente na naimbitahan nga siya.

READ  P-Noy, kinasuhan na sa Sandiganbayan kaugnay ng Mamasapano incident

Wala pa naman itong malinaw na kumpirmasyon kung tutuloy na siya.

“We’re going to see,” ani Trump.

Kung maalala mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na inimbitahan din niya si Trump na bumisita sa Pilipinas nang magkausap sila sa telepono.

Maging si U.S. Vice President Mike Pence ay nag-anunsiyo noong buwan ng Abril habang nasa  Jakarta na dadalo si Trump sa ASEAN summit sa Pilipinas na ipinagdiriwang din ang 50th founding anniversary.

Ang ASEAN events ay gagawin sa November 10-14, 2017.

Source link

0 SHARE

Post Comments