Trump tinawag na “pure evil” ang Las Vegas shooting; dadalaw sa lugar sa Huwebes

     2 months ago
19
Leave a Comment
0 SHARE

Tinawag ni US President Donald Trump na isang “Pure Evil” ang naganap na pamamaril sa Las Vegas concert.

Ito ang kaniyang ipinahayag sa pagsasalita niya sa White House.

Pinuri niya ang mabilis na responde ng mga otoridad para mailigtas ibang mga buhay.

Inanunsiyo nito na dadalaw siya sa Las Vegas sa Huwebes para tignan ang kalagayan ng mga nakaligtas na mga biktima at makidalamhati na rin sa pamilya ng namatay na biktima.

Sa ngayon ay umabot na sa 58 katao ang patay kabilang na ang suspek na 64-anyos na si Stephen Paddock residente ng Nevada.

Nauna rito pinagbabaril ng suspek mula sa 32 floor ng Mandalay Bay Hotel ang mga taong nanonood sa open-air music festival na dinaluhan ng mahigit na 22,000 katao.

READ  MEL STA. MARIA | Chief Justice Sereno poses no grave danger to the nation: Impeachment is a waste of time | News5

Natagpuan na lamang ng mga kapulisan ang bangkay ng biktima na sinasabing nagpakamatay matapos ang insidente.

Source link

Post Comments