Tycoon at philanthropist Washington Sycip, pumanaw na

     2 months ago
41
Leave a Comment
4 SHARE

Pumanaw na sa edad na 96 ang kilalang business tycoons at philanthropist na si Washington Sycip.

Sa statement na inilabas ng kompanya ni Sycip na SGV & Co., kanilang kimumpirma ang pagpanaw ng kanilang founder.

Nabatid na sa kabila ng kanyang edad noong siya ay nabubuhay pa, nananatiling active pa rin sa business community si Sycip sa pamamagitan ng pagiging board member ng ilang korporasyon.

Inilaan din nito ang kanyang buhay sa pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino.

Kabilang na dito ay ang pagpapahiram ng pera sa mga mahihirap sa pamamagitan ng kanyang non-governmental organization CARD Mutually Reinforcing Institutions.

Sa ngayon, wala pang statement na inilalabas ang pamilya ni Sycip, pati na rin ang mga detalye kaugnay sa burol nito.

READ  EXCLUSIVE: Lalaki, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Makati City

The post Tycoon at philanthropist Washington Sycip, pumanaw na appeared first on Bombo Radyo Philippines.

Source link

Post Comments