Umano’y Pinay na asawa ng salarin sa pamamaril sa Las Vegas, pinaghahanap pa rin

     2 months ago
73
1 Comment
11 SHARE

LAS VEGAS, Nevada – Pinaghahanap pa rin ang hinihinalang kasama ng napatay na suspek sa pamamaril na naganap sa Las Vegas Strip.

Ayon sa sheriff ng Las Vegas Metropolitan Police Department (LVMPD) na si Joseph Lombardo, pinaghahanap nila ngayon ang kasama ng suspek na umano’y isang babaeng nagngangalang Marilou Danley.

Lumalabas naman ngayon na posibleng isang Pinay umano ang kasama ng suspek, na patuloy pa rin kinukumpirma.

Inilarawan ni Lombardo si Danley na isang babaeng Asian, 4 ft.,11 inches ang tangkad at nasa 111 pounds.

Umano’y larawan ng kasama ng suspek na si Marilou Danley na pinaniniwalaang Pinay.

Tinutunton na rin ng mga pulis ang dalawang sasakyang nakapangalan sa suspek, isang Hyundai Tucson, Nevada (NV) plate 114B40 at Chrysler Pacifica Touring minivan, NV plate 79D401.S

“We have not located her at this time and we are interested in talking to her,” wika ni Lombardo.

Kinilala naman ang napatay na suspek na si Stephen Paddock, 64-anyos, na sinasabing residente din sa Las Vegas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng ng LVMPD, nasa ika-32 na palapag ng Mandalay Bay Hotel ang namaril.

Dagdag pa rito, sinabi ng ilang saksi na tila parang “fireworks” lamang umano ang kanilang narinig na putok kaya sa una ay hindi sila nag-panic.

Napag-alaman din na kasama sa mga nasawi ang dalawang police officers sa Las Vegas.

Ang Mandalay Bay Hotel ay isang 43-storey luxury resort at casino sa Las Vegas Strip Paradise, Nevada na pag-aari ito ng MGM Resorts International.

Mayroon itong 3,309 hotel rooms, 24 elevators at casino na may 135,000 square feet. Katapat nito ang 2,000,000 square feet na Mandalay Bay Convention Center at 12,000-seat Mandalay Bay Events Center.

Nabatid na dito din ginanap ang halos lahat ng laban ni Senator Manny Pacquiao sa boxing, ganun na rin ang mga concert ng mga sikat na artists tulad ni Michael Jackson. Dito din ginanap ang Miss Universe 2015 kung saan nanalo si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach.

Source link

READ  PH on track to hit 6.3% GDP despite risks – BMI | News5

Post Comments