Unang taon ni Pang. Duterte sa Malakanyang, awesome – Cong. Arroyo

     5 months ago
145
Leave a Comment
126 SHARE

Awesome.

Ganito inilarawan ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representaive Gloria Macapagal-Arroyo ang isang taong panunungkulan sa malakanyang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa talumpati ni Arroyo sa Induction Ceremonies ng 52nd Inner Wheel Clubs of the Philippines sa Makati City, hinimok nito ang publiko na suportahan ang idineklarang Martial Law sa Mindanao ni Pangulong Duterte bunsod ng kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Arroyo, bilang pangulo ng bansa, may mga alam at may mga impormasyong hawak si Duterte na hindi alam ng nakararami.

Sinabi pa ni Arroyo na sa halip kwestyunin ang Martial Law, mas makabubuting magtiwala na lamang sa pangulo dahil alam niya ang kanyang ginagawa at kung ano ang mas makabubuti sa bansa.

READ  Panelo denies Du30 rushed to hospital, says no full Cabinet meeting in Davao | News5

Pabor din si Arroyo sakaling palawigin pa ni Duterte ang dalawang buwang Martial Law sa Mindanao.

Source link

126 SHARE

Post Comments