US action star Steven Seagal, isa ng Russian citizen

     1 year ago
350
Leave a Comment
0 SHARE
Steven Seagal
Steven Seagal

Inaprubahan na ng Russian government ang matagal na umanong hirit ng renowned Hollywood actor at martial arts master na si Steven Seagal na maging Russian citizen.

Kinumpirma ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na nilagdaan na ni Russian President Vladimir Putin ang isang presidential decree na nagtatalaga kay Seagal ng naturalize Russian citizenship.

Napag-alaman na matagal na umano ang palihim na kahilingan ng aktor na makilala bilang mamamayan ng Russia.

“This (was his) desire, he had really applied. He had been really persistent for a long time and been asking to grant him citizenship, he is actually renown for his quite warm feelings toward our country. He never made a secret out of it, at the same time he is quite famous, as you know, actor,” ani Peskov.

READ  Debbie Reynolds, mother of Carrie Fisher, dies

Maliban kay Seagal, kabilang pa sa mga famous US citizens na nabigyan ng Russian citizenship ay ang boxer na si Roy Jones at mixed-martial artist Jeff Monson.

Post Comments