US, binati ang Ph military sa pagkakapatay kina Hapilon at Omar Maute

     1 month ago
37
Leave a Comment
0 SHARE

Ipinaabot na ng Estados Unidos ang kanilang pagbati sa matagumpay na operasyon ng Philippine military na naging daan sa pagkakapatay kina Omar Maute at Abu Sayyaf Group leader na si Isnilon Hapilon.

Ayon kay US Embassy spokesperson Molly Koscina, binabati nila ang pagkakapatay sa dalawang nasabing local leader na konektado sa (ISIS) Islamic State of Iraq and Syria sa gunbattle sa Marawi.

“We congratulate our partners in the Armed Forces of the Philippines for their reported success in killing two of the leaders behind the months-long clash in Marawi: Isnilon Hapilon and Omar Maute,” bahagi ng papuri ng US.

Una nang inihayag ng Armed Forces of the Philippines na nais sana nilang “buhay” na maaresto sina Hapilon at Maute pero nanlaban ang mga ito.

READ  Pagtanggal ng pagka-abogado ni De Lima isinampa sa Supreme Court

Kahapon ng umaga nang marekober ang bangkay ng dalawa.

Source link

Post Comments