Vanuatu, niyanig ng magnitude 6.5 na lindol

     3 months ago
34
Leave a Comment
0 SHARE

Tumama ang malakas na magnitude 6.5 na lindol sa Vanuatu pasado alas 4:00 ng madaling araw oras sa Pilipinas.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang epicenter ng lindol saErromango island sa Pacific Ocean.

Sa kabila ng malakas na magnitude, may kalaliman naman ang lindol na nasa 200 kilometers.

Ang Erromango island ay mayroong populasyon na aabot sa 2,000.

Ayon naman sa Vanuatu Meteorological Services & Geohazard Department hindi nagdulot ng pinsala sa Pacific island nation ang pagyanig.

Samantala, sa abiso ng PHIVOLCS, sinabi nitong walang banta ng tsunami sa Pilipinas bunsod ng nasabing lindol.

Source link

READ  ‘PLEASE DON’T HURT HIM’ | Wife of NDFP consultant Vic Ladlad appeals to Bato
0 SHARE

Post Comments