Vice Mayor Paolo Duterte: Dapat masuri ng doctor si Matobato, wala na sa tamang pag-iisip

     12 months ago
550
Leave a Comment
183 SHARE
paolo duterte matobato

Dapat na umanong mapatingnan ang pag-iisip ni self-confessed hitman at sinasabing Davao Death Squad (DDS) member Edgar Matobato.

Ito ang binigyang diin ni Davao City Vice Mayor Paolo “Polong” Duterte at iginiit na hindi sila magkakilala sila ng Senate witness.

Ayon sa vice mayor, bumibisita siya noon sa opisina ng Heinous Crime Division ngunit hindi niya nakita si Matobato.

Binigyang linaw naman ng nakababatang Duterte na hindi rin umano niya kilala si Richard Lim King, ang Cebu-based businessman na binaril-patay sa Vital C Building ng Barrio Obrero sa lungsod ng Davao noong Hunyo 12, 2014.

Una nang inakusahan ni Matobato si Paolo Duterte na siyang nagpapatay daw kay King dahil umano sa agawan nila sa isang babae.

May hinala ang bise alkalde na wala na sa tamang pag-iisip ang saksi ng senado sa extrajudicial killings at dapat nang masuri ng mga doktor.

Nagpahayag naman nang pagbabanta ang nakababatang Duterte na may isa umanong senadora na gumagamit ng cocaine.

Nagbabala ang presidential son na sa tamang panahon ibubunyag din niya ang pangalan ng nasabing cocaine-user na senador.

Post Comments