Voters registration, balak muling buksan ng COMELEC sa susunod na buwan

     2 months ago
13
Leave a Comment
2 SHARE

 

Dahil tuluyan nang naisabatas ang pagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, pinaplano ng Commission on Elections (COMELEC) na muli nang buksan ang voters registration sa susunod na buwan.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, nais nilang mabigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikado na magamit ang kanilang karapatang bumoto.

Matatandaang itinigil nila ang registration noong Abril para paghandaan ang halalan na ngayong buwan sana gaganapin, ngunit ipinagpaliban na sa Mayo ng susunod na taon.

Sa tantya ng COMELEC, ang magiging voter registration para sa midterm election sa May 2019 ay tatakbo hanggang September 29.

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 56 milyong rehistradong botante para sa barangay elections, habang nasa 20 milyon naman ang rehistrado na para sa SK elections.

READ  Dating PDEA Chief Ret. Gen Dionisio Santiago, bagong pinuno ng Dangerous Drugs Board

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 10952 na nagpapaliban sa barangay at SK elections noon lamang nakaraang linggo.

Source link

2 SHARE

Post Comments