VP Leni kay Duterte: Martial Law, hindi dapat gawing biro

     10 months ago
128
Leave a Comment
93 SHARE
VP Leni Robredo

Nilinaw ng kampo ni Vice President Leni Robredo na hindi sila kundi si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpapahiwatig ng pagdedeklara ng martial law at hindi ang bise presidente.

Ito’y matapos ang pagbwelta ng Palasyo na tila pinapalabas umano ni Robredo na may pakay talaga si Pangulong Duterte na magdeklara ng martial law.

Ayon nga kay Robredo sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita na si Georgina Hernandez, madalas na lamang na idinadahilan ng kampo ni Pangulong Duterte na ang mga pahayag nito ay biro lamang o di naman kaya’y nabibigyan lamang ng maling kahulugan ng media.

Hindi umano dapat makasanayan ang ganitong ugali ng administrasyon ng Pangulo at lalong lalo na umanong hindi dapat gawing biro ang usapin ng martial law.

READ  Lawmakers vow FOI passage within 2017

Bukod dito ay muli namang nanindigan si Robredo na hindi na dapat hayaan ng publiko na maulit pa ang pagmamalabis na dulot ng martial law.

93 SHARE

Post Comments