Wag munang gawing ‘big deal’ ang CHR, NCIP, ERC budget; mahaba pa budget process – DBM chief Diokno

     3 months ago
15
Leave a Comment
0 SHARE

Binigyang-diin ngayon ni Budget Sec. Benjamin Diokno na huwag munang masyadong pag-aksayahan ng oras, panahon at tulog ang kontrobersyal na P1,000 budget ng Commisison on Human Rights (CHR), gayundin sa National Commission on the Indigenous Peoples (NCIP) at Energy Regulatory Commission (ERC) na inaprubahan ng Kamara.

Sinabi ngayong umaga sa Bombo Radyo ni Sec. Diokno, nasa unang bahagi pa lamang ng budget process at marami pang mangyayari lalo pagdating ng panukalang batas sa Senado.

Ayon kay Diokno, mayroong ibinibigay na dahilan ang mga mambabatas sa kanilang desisyon habang may kaibang posisyon din ang ilang senador kaya magkakaalaman kapag dumating na bicameral conference committee at magkakaroon ng kompromiso.

READ  DILG, inindorso ang PNP recommendation na 1-yr. Martial Law extension sa Mindanao

Inihayag pa ni Diokno na bagama’t constitutional body ang CHR, walang magagawa ang Ehekutibo o alinmang ahensya dahil “absolute” ang kapangyarihan ng Kongreso sa pag-apruba ng budget na gugugulin sa gobyerno.

“Nasa early stage pa lang tayo ng budget process. Siguro I don’t think we should spend a lot of time and effort, may mangyayari pa naman diyan. Ang legislation, ang tawag ko nga diyan ay the art of compromise,” ani Diokno sa Bombo Radyo.

Source link

Post Comments