‘Walang foul play, pero hindi pa masabing suicide ang sinapit ni PSG Major Gonzaga’

     3 months ago
38
Leave a Comment
4 SHARE

Maingat ang Presidential Security Group (PSG) kaugnay sa sirkumstansya at dahilan ng pagkakabaril at pagkamatay ni Major Harim Gonzaga na miyembro ng PSG.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni PSG head B/Gen. Lope Dagoy, natagpuan mismo ng misis ni Major Gonzaga ang kanyang mister na wala ng buhay sa kanilang quarters sa Malacańang Park bandang alas-8:50 kaninang umaga.

Ayon kay Gen. Dagoy, may tama ng bala ng kalibre .45 sa dibdib si Major Gonzaga at lumalabas na pagmamay-ari nito ang baril.

Lumalabas rin aniya na walang foul play sa insidente pero hindi nila kinukumpirmang suicide o nagbaril sa sarili ang PSG officer.

READ  Drug war, hindi ititigil pero kailangang repasuhin - Palasyo

Mas mabuting hintayin na lamang daw ang official findings ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na siyang nagsasagawa na ng imbestigasyon.

Inihayag naman daw ng misis ni Major Gonzaga na wala silang problemang mag-asawa at walang nababanggit sa kanya ang mister na maaring dahilan ng pagpapakamatay.

Nasabihan na raw si Special Assistant to the President Bong Go kaugnay sa pangyayari para siya na ang magpasabi kay Pangulong Rodrigo Duterte na kagabi pa nasa Bahay Pagbabago na nasa loob din ng Malacańang Park.

Si Major Gonzaga ay taga-Bohol at head ng operations unit sa PSG.

Source link

Post Comments