WATCH: 24 sugatan sa pagsalpok ng jeep sa isang poste sa Antipolo City

     4 months ago
91
Leave a Comment
10 SHARE

Sugatan ang 24 na katao makaraang sumalpok sa poste ng ilaw ang isang pampasaherong jeep sa Antipolo City.

Pawang pasahero ng jeep na biyaheng Cogeo-Cubao at may plate number na UVB 972 ang nasugatan. Sugatan din ang driver ng jeep.

Ayon kay Traffic Enforcer Richard Santos ng Antipolo LTO, naganap ang aksidente sa Barangay Mayamot, alas 5:20 ng umaga.

Nawalan umano ng kontrol ang jeep dahil nakikipag-karera ito sa isa pang ‘patok’ na jeep.

Dinala sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City ang lahat ng nasugatan.

 

 

 

READ  Pag-apruba ng Kongreso sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, batay sa ebidensya at hindi pamumulitika

 

 

Source link

10 SHARE

Post Comments