WATCH: 9 arestado, halos 600 sachet ng marijuana nasabat sa Tondo, Maynila

     3 months ago
36
Leave a Comment
5 SHARE

Arestado ang siyam na katao makaraang maaktuhan na nagre-repack ng marijuana sa isang mini hotel sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Manila Police District station 1 chief, Supt. Jay Dimaandal, ang mga naarestong suspek ay kinabibilangan ng walong lalaki at isang babae.

Naaktuhan ang siyam na nagre-repack ng marijuana sa Road 10, barangay 106 sa Tondo.

Tig-iisangdaang dahon umano ang inilalagay ng mga suspek sa bawat plastik.

Nakuha mula sa kanila ang halos 600 na sachet ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P60,000.

Dinala sa station 1 ang mga naarestong suspek at ang mga nasabat na marijuana habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

READ  NAIA no longer included in world's worst airports

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments