Watch! Duterte tinawagan si Trump

     11 months ago
295
Leave a Comment
80 SHARE

Sa video makikitang masaya at tumatawa si President Rodrigo Duterte habang kinakausap si US President-elect Donald Trump nitong Friday.

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na suportado ni U.S President-elect Donald Trump ang kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.

Kagabi ay inabot ng halos ay walong minuto ang pag-uusap nina Duterte at Trump sa telepono.

Sinabi ni Duterte na hindi lang suportado kundi iginagalang pa ni Trump ang anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan bilang isang malayang bansa.

Inimbitahan rin ng pangulo si Trump na pumunta sa gaganaping 2017 ASEAN Summit na gaganapin sa bansa.

Bilang tugon ay sinabi ng incoming U.S president na inimbitahan rin niya si Duterte na pumunta sa White House sa susunod na taon.

READ  PNP Chief Bato, hindi kasama sa senatorial bets ng PDP-Laban sa 2019

Sinabi pa ni Duterte na naniniwala siyang magiging maayos na lider ng kanilang bansa si Trump.

Inilagay naman ni Presidential Special Assistant Bong Go sa kanyang Facebook account ang kanyang selfie kasama si Duterte habang kausap si Trump sa telepono.

80 SHARE

Post Comments